Ang pangangalakal ng mga deribatibo sa mga stock ay naghahatid ng pagkakataon sa mga trader na ikalakal ang mga stock ng isang kompanya na hindi kinakailangang maging may-ari ng sumasailalim na pag-aari. Binibigyan ng mga deribatibo ang mga trader ng oportunidad na pasukin ang pamilihan sa higit na mura at napapanahong pamamaraan.
Ang pag-trade ng stock ay ang proseso ng pagbili at pagbenta ng mga stock ng isang kompanyang nakalista sa pamilihan ng mga stock. Ang layunin nito ay kumita mula sa pagbabago ng presyo.
Karaniwang nagtataglay ang bawat stock ng presyong tinatakda ng suplay at pangangailangan ng mga stock ng naturang kompanya sa pamilihan batay sa kasalukuyan nitong pagkilos o sa pagkilos nito sa hinaharap. Ang presyo ay maaring maimpluwensiyahan ng ilang bagay tulad ng balita mula sa kompanya, ang kita nito, at ang mga kaganapan sa pamilihan.
Maaaring pumosisyon ang mga trader ng long o short at samantalahin ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga stock.
Sa HFM, pwede kang mangalakal ng mga Deribatibo sa mga stock ng ilan sa pinakamalalaki at pinakakilalang mga kompanya tulad ng Apple, Amazon at Facebook, kung saan ang HFM ay umaakto bilang iyong broker sa pagitan mo at ng mga pamilihan ng stock sa buong mundo katulad ng New York Stock Exchange, NASDAQ at London Stock Exchange.
Naghahatid ang mga deribatibo ng pagkakataong pumasok sa pamilihan sa mas abot-kaya at mabilis na paraan, sapagka’t hindi nila kailangan ariin ang sumasailaim na stock at ang pag-trade na may leverage ay nangangahulugan na pwede magbukas ng malalaking trade na may mas mababang kapital.
Mababa ang lahat ng aming spread para sa lahat ng uri ng account. Pinahihintulutan ng mga mababang spread, mababang gastusin, kompetitibong komisyon, at mga account na walang minimum na deposito na nagpapahintulot sa aming mga trader na mangalakal ng daan-daang instrumento sa abot-kayang paraan.
Nag-aalok ang HFM ng isa sa pinakamabilis na pagpapatupad sa industriya, kung saan ang aming patakaran sa pinakamahusay na pagpapatupad ang nagtitiyak na ang bawat trade ay pinapatupad sa pinakamabilis na paraan at sa pinakamagandang presyo.
Ang popularidad ng pamilihan ng stock at ang bilang ng mga nakikilahok dito ay ginagawa itong napaka-likidong pamilihan na naghahatid ng maraming pagkakataon ngunit may karampatang panganib.
Ang mga trader sa HFM ay maaaring mag-trade ng mga stock na may mababang komisyon, mababang spread at ang pinakamagandang seguridad ng pondo sa industriya upang samantalahin ang malawak na hanay ng mga stock mula sa pinakamalalaking kompanya sa buong mundo.
Isa lamang sa daan-daang produkto ang mga stock na maaring i-trade sa HFM sa lahat ng mga popular na klase ng asset, na nangangahulugan na maaaring palawakin ng mga trader ang kanilang portfolio at sa gayon, bawasan ang kanilang panganib.
Maaaring i-access ng mga trader ng HFM ang mga pamilihan ng sapi 24/5 kailanman bukas ang pamilihan, at maglagay ng mga trade na angkop sa kanilang indibidwal na trading at profile sa panganib.
Spekulatibo ang pamilihan ng CFD na Stock, na nangangahulugan na ang mga trader ay maaaring mag-long o mag-short at tumaya sa pagtaas at pagbaba ng mga presyo ng sapi. Dahil hindi inaako ng mga trader ang pagmamay-ari sa sumasailalim na asset, hindi nila kailangang ariin ang naturang stock.
Matuto kung paano mag-trade ng mga stock sa HFM. Maraming dahilan kung bakit sikat ang pamilihan ng stock; merong malawak na bilang ng mga stock na pwedeng pagpilian; isa itong malawak na pamilihan na bukas 24 oras at 5 araw bawat linggo, at ang kakayahang mag-trade online ay pinadali ang akses sa pamilihan sa mas madaming tao kaysa sa dati.
Mag-trade ng mga sikat na Stock bilang deribatibo na hindi kailangang ariin ang sumasailalim na asset, na may 24/5 trading, mababang pangangailangan sa margin, at ang kakayahang mag-trade sa pagtaas at pagbaba ng presyo.
Ang Sentro ng Edukasyon ay puno ng mga edukasyonal na mapagkukunan para tulungan kang matutunan ang mga konsepto at estratehiyang kailangan mo para magsimula sa trading nang sa gayon ay maganda ang iyong pasok sa pamilihan.
Bago mag-trade, kailangan mong sundin ang mga sumusunod na hakbang. Magbukas ng live trading account at magsimula sa pag-trade ng mga stock sa loob ng 2 minuto:
Magparehistro sa HFM sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng online form at pagbibigay ng iyong impormasyon.
Pondohan ang iyong trading account gamit ang alinman sa aming mga mabibilis, simple, at ligtas na pamamaraan.
Yun na! Pwede mo nang i-access ang lahat ng kategorya ng mga asset at magsimula sa pag-trade ng mga stock.
Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng mga Oras ng Trading kung saan pwedeng i-trade ang mga Stock sa mga plataporma ng HFM. Bagaman ang mga Stock, kagaya ng pamilihan ng forex, ay maaaring i-trade 24/5, ang pinakamagandang panahon para mag-trade ng mga stock ay karaniwan sa mga panimulang oras ng pagbukas ng pamilihan. Ito ay sapagka’t ang presyo ng stock ay karaniwang umaangkop sa lahat ng nangungunang balita sa pamilihan sa loob ng oras ng trading sa umaga.
Ang mga ulat ng sa kita, mga bagong paglunsad ng produkto, mga pagkukulang sa pag-abot ng layunin, o pagkamatay ng isang kilalang panauhin ay maaaring magdulot ng pagbabago sa pangangailangan at sa presyo ng mga stock.
Ang mga balitang inaasahan at di-inaasahan ay may potensyal na impluwensiya sa presyo ng stock ng isang kompanya - hal. pagbabago sa interest rate, tinatayang pinansyal, inflation, at balitang pang-industriya.
Sa mga panahon ng malinaw na kondisyon sa pamilihan, mas kayang tayaan ng mga namumuhunan ang pagkilos sa hinaharap. Halimbawa, kapag malinaw ang mga trend, pagbabago sa sentimiyento ng namumuhunan, at ang kakayahang tanggapin ang panganib.
Ang oras na 10am ET (o 3pm GMT) ay kadalasang pinakamagandang oras gumawa ng pagpapasya sa trading, sapagka’t tumatatag ang mga pamilihan matapos ang ingay ng pagbukas ng pamilihan. Sa gayon, ang mga trader ay dapat alamin kung ang panimulang trend ay mananatili o bubuwelta.
Ang pag-trade sa dulo ng araw ay nagpapaigting sa mga nakatatag na mga trend sa pamilihan. Ang pattern na ito ay kadalasang iniuugnay sa pakikilahok ng mga institusyong namumuhunan sa loob ng panahong ito.
Ang isang sikat na teoryang pinansyal ay nagmumungkahi na Lunes ang pinakamagandang araw para bumili ng mga stock. Sinasabi ng iba na Biyernes ang pinakamagandang araw para magbenta ng mga stock, dahil sa kasanayan na pagkuha ng kita o dahil sa layunin ng mga nakikilahok sa pamilihan ay naglalayong makakuha ng mas magandang presyo kaysa sa presyo na makukuha nila sa Lunes.
Maaaring i-trade ang mga stock sa lahat ng aming mga plataporma! Mag-trade ng mga CFD ng stock sa aming mga plataporma na MetaTrader 4 at MetaTrader 5, at ang plataporma ng HFM sa HFM App. Ang mg popular at makapangyarihang mga platapormang ito ay tinitiyak na ang bawat trader ay maaaring magtrade sa kanilang nais na estilo, sa kanilang paboritong lokasyon, at sa kanilang nais na device.
Pwede kang magsimula sa pag-trade ng mga Stock sa HFM sa loob lamang ng 2 minuto! Magbukas ng live trading account sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng online form at pagbibigay ng iyong personal na impormasyon, pondohan ang iyong trading account gamit ang alinman sa aming mabilis, simple at ligtas na pamamaraan, at i-access ang alinman sa aming maraming asset class upang makapagsimula!
Nag-aalok ang HFM ng mga iba’t ibang uri ng account na walang minimum na deposito. Nag-aalok din kami ng maximum na leverage na 1:25 sa aming mga Stock bukod sa mababang spread, proteksyon sa negatibong balanse at napakabilis na pagpapatupad. Mangyaring suriin ang aming Pahina ng Mga Trading Account para sa karagdagang impormasyon.
Bagaman ang mga Stock, kagaya ng pamilihan ng forex, ay maaaring i-trade 24/5, ang pinakamagandang panahon para mag-trade ng mga stock ay karaniwan sa mga panimulang oras ng pagbukas ng pamilihan. Ito ay sapagka’t ang presyo ng stock ay karaniwang umaangkop sa lahat ng nangungunang balita sa pamilihan sa loob ng oras ng trading sa umaga.
Matatagpuan ang mga CFD na stock sa aming mga plataporma na MetaTrader 4 at MetaTrader 5 at ang plataporma ng HFM sa HFM App, na pinahihintulutan ang mga trader ng kakayahang umangkop para mag-trade sa kanilang nais na estilo, sa kanilang paboritong lokasyon, at sa kanilang piniling device.