HFM Platform
MT4
MT5
Paghahambing
InfinityX Bago
Premium
Cent
Zero
Pro
Paghahambing
HFM Platform
MT4
MT5
Paghahambing
InfinityX Bago
Premium
Cent
Zero
Pro
Paghahambing
|
Ang merkadong pang-retail ng Forex ay isang merkado ng pananalaping banyaga kung saan ang mga nakikilahok dito ay maaaring bumili, magbenta, magpalit, at magspekula sa mga pananalapi. Samakatuwid, ang proseso ng pagpalit ng isang pananalapi patungo sa iba ay isang simpleng trade na nakabatay sa kasalukuyang mga rate ng dalawang kasangkot na pananalapi. Kinabubuuan ng merkado ng pananalapi ng mga bangko sentral, mga bangkong pampuhunan at komersyal, mga kompanyang nangangasiwa ng mga pondo (mga mutual fund at hedge fund), malalaking kompanya, at mga indibidwal na namumuhunan o mga nagbabaka-sakali. Ang merkado ng forex, kabilang ang merkadong interbank, ay isa sa pinakamalalaking merkadong pinansyal sa buong mundo kung saan ang bahaging retail ay nag-aambag ng maliit na bahagi ng pangkalahatang volume ng merkado ng forex. Paano ako makakapag-trade ng Forex?Kinikilala ang mga pribadong mamumuhunan o indibidwal bilang mga Retail Forex Trader. Ang mga retail forex trader, o mga speculator kung tawagin, ang karaniwang gumagamit ng merkado ng banyagang pananalapi sa labas ng exchange (o merkado ng Forex) sa pamamagitan ng isang Forex broker. Hindi sila mismong nangangalakal sa aktwal na merkadong interbank . Kadalasan, kabilang dito ang espesipikong software para sa pag-trade ng Forex na nilikha para sa merkadong retail nito – tulad ng MetaTrader 4 (isang produkto ng MetaQuotes) o mga plataporma para sa trading na nilikha sa loob ng kompanya para sa paggamit nito sa internet. Nagsisilbing tulay ang mga broker sa pagitan mo at ng kanilang mga kapartner sa liquidity (paminsan ito ay mga malalaking bangko) upang magkaroon ka ng sapat na kapital upang makapangalakal. Maaari ito mangyari sa iilang mga pamamaraan. Samantala may iilang mga Forex Broker na nagsisilbing tagapaggawa ng merkado, na nangangahulugan na sila mismo ang naglilikha ng liquidity at managot sa mga panganib nito, ang ibang mga retail broker ay direktang pinangangasiwaan ang mga trade sa pamamagitan ng mas malalaking bangko na namamahagi ng kanilang liquidity. Ito ay tinatawag bilang "straight through processing." Mga Oras ng Merkado ng ForexHindi gaya ng ibang mga merkadong pinansyal, kumikilos ang merkado ng Forex 24 oras bawat araw, 5 araw bawat linggo. Simula sa Sydney, patungong Tokyo, Europa, at ang Amerika, huli na nagbubukas ang merkado ng gabi ng araw ng Linggo at nagsasara ito ng hapon tuwing Biyernes. Pinapatakbo ito sa pamamagitan ng isang network ng mga bangko, korporasyon, at indibidwal na mga mangangalakal na nagpapalit ng mga pananalapi. Para sa mga retail trader, ginagamit ang Forex bilang spekulatibong pamumuhunan at ang aktwal na pisikal na pagpapadala ng mga pananalapi ay halos hindi sinasadya. |
Patakaran sa Privacy | Legal na Dokumentasyon | Mga Cookie
Legal: Ang HF Markets (SV) Ltd ay naka-incorporate sa St. Vincent & the Grenadines bilang isang International Business Company na may registration number na 22747 IBC 2015.
Ang website ay pinapatakbo at nagbibigay ng content ng HF Markets Group of companies, na kinabibilangan ng:
Babala sa Risk: Ang pagte-trade ng Mga Naka-Leverage na Produkto tulad ng Forex at Mga Derivative ay maaaring hindi angkop para sa lahat ng investor dahil may kasamang mataas na antas ng risk ang mga ito sa iyong capital. Pakitiyak na lubos mong nauunawaan ang mga risk na kasama, nang isinasaalang-alang ang iyong mga obhektibo sa investment at antas ng karanasan bago mag-trade at kung kinakailangan, humingi ng independiyenteng payo. Pakibasa ang buong Disclosure ng Risk.
Hindi nag-aalok ang HFM ng mga serbisyo sa mga residente ng ilang partikular na hurisdiksyon, kabilang ang USA, Canada, Sudan, Syria, Iran, North Korea, UAE, at iba pa.